Nakatakdang maglabas ang Department of Education (DEPED) ng guidelines at statement sa mga paaralan sa Cebu.
Ito’y matapos ilabas ang Executive Order (EO) ng Cebu City na nagsasaad na alisin na ang mandatory na pagsusuot ng face mask sa kanilang lugar.
Sinabi ni deped Spokesperson Atty. Michael Poa na posibleng bukas makapagpalabas na ng statement ang deped tungkol dito.
Pag-aaralan pa ng kagawaran ang nilalaman ng EO ng Cebu Local Government Units (LGUs) kung kaya’t hindi pa nila masabi ang magiging nilalaman ng guidelines na kanilang ilalabas.
Batay sa anunsiyo ni Cebu City Mayor Michael Rama na ang pagtanggal sa mandatory na pagsusuot ng face mask bilang hakbang sa pagbuhay ng kanilang ekonomiya.
Hindi daw kasi masyadong makausad ang economic recovery sa Cebu City dahil sa mga health restrictions na ipinatutupad.