Inaasahan na ang hatol na ‘guilty’ sa dating police officer sa kaso ni George Floyd.
Ipinabatid ito sa DWIZ ni Atty. DJ Jimenez ng UST Faculty of Civil Law, matapos ang guilty verdict sa dating pulis na si Derek Chauvin.
Binigyang diin sa DWIZ ni Jimenez na iba ang common law system sa Amerika kung saan ang jury ang nagtitimbang kung guilty o hindi ang isang akusado, samantalang ang Huwes ang naglalatag ng parusa.
Maganda aniya ang sistemang ito dahil nababalanse ang simpatiya ng nakakarami kung saan kinakatawan ng jury ang publiko.
Tingin ko expected naman natin ‘yan na mako-convict ‘yung police officer na responsible sa pagkamatay ni Floyd. Sa Amerika kasi, sila ay govern ng tinatawag nating common law system. Parang ang nagde-determine kung guilty o hindi ay yung jury. Ang Huwes, sya lang ang mag-iimpose ng penalty,” ani Jimenez. —sa panayam ng IZ sa Alas Sais