Nangangamba si Guimaras Governor Samuel Gumarin sakaling ituloy ng Department of Transportation (DOTr) ang planong ipagbawal ang biyahe ng mga pampasaherong bangkang gawa sa kahoy sa Iloilo – Guimaras strait.
Kasunod ito ng pagtaob ng tatlong bangka sa Iloilo-Guimaras strait na ikinasawi ng 31 katao.
Ayon kay Gumarin, masyadong biglaan ang balak ni DOTr Secretary Arthur Tugade na i-ban na ang mga kahoy na bangka gawa sa kanilang lugar.
Makakaapekto aniya ito sa kabuhayan ng nasa 500 mga bangkero sa Guimaras gayundin sa kanilang transportasyon.
Sa kasalukuyan, pinag-aaralan nang mga otoridad ang mga ipinatutupad ng protocol sa mga sasakyang pandagat na pinapayagang bumiyahe kahit masama ang panahon.