Isinailalim na sa state of calamity ang buong lalawigan ng Guimaras bunsod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue.
Inaprubahan ng sangguniang panlalawigan ng Guimaras ang deklarasyon kahapon Hulyo 30.
Layun nitong magamit ng lokal na pamahalaan ang 5% ng kabuuan nilang pondo sa 2019 bilang quick response fund para masugpo ang dengue.
Batay sa datos ng DOH, umabot na sa 893 ang naitalang kaso ng dengue sa Guimaras mula Enero 1 hanggang Hulyo 20 ng kasalukuyang taon kung saan apat (4) na ang nasawi.