Binawian ng buhay nitong linggo ang Alkalde ng bayan ng Guimbal, Iloilo na si Mayor Oscar “Oca” Garin.
Kinumpirma ito ng kaniyang mga anak na sina Aambis-Owwa Rep. Sharon Garin at Iloilo Vice Governor Christine Garin.
Magkakaroon ng send-off caravan mula sa munisipyo ng Guimbal patungong oton.
Noong nakaraang linggo nang maospital ang Alkalde matapos mahawaan ng COVID-19.
Si Mayor Garin ay nagsilbi ring kinatawan ng 1st district ng lalawigan ng Iloilo.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico