Nagpatupad na rin ng evacuation ang Guinobatan, Albay bilang paghahanda sa pagtama ng Bagyong Ambo sa lalawigan.
Dinala na sa mga paaralan ang mga residente sa high risk areas.
Tiniyak ng pamunuan ng Guinobatan na binawasan nila ang bilangng pamilya na mananatili sa isang silid-aralan upang masunod ang social distancing.
Inihiwalay rin ng silid ang mga evacuees na may edad upang maiwasang malantad sa sakit.
Isa ang lalawigan ng Albay sa mga lugar na nasa Signal No. 3 dahil sa Bagyong Ambo.