Niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang bahagi ng Guiuan, Eastern Samar, kaninang umaga.
Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang epicenter ng pagyanig, sa layong 76 na kilometro sa timog silangan ng Guiuan.
Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig na may lalim na 6 na kilometro.
By Katrina Valle