Nababalot ngayon ng gulo ang Central African Republic ilang linggo bago ang nakatakdang pagbisita roon ni Pope Francis.
Ayon sa report ng Agence France Press, walang awang pinagbabaril sa ulo at ginilitan ang leeg ng ilang residente sa Bangui na siyang kabisera ng nasabing bansa.
Bukod dito 100 kabahayan din ang sinunog ng mga Muslim at Christian militia kung saan, isa-isa muna itong ninakawan.
Libu-libong mga residente naman ang nagsilikas upang maghanap ng ibang matutuluyan habang ang karamihan ay nagkalat sa mga kalsada.
Isa ang Central African Republic sa mga pinakamahihirap na bansa sa mundo na nakatakdang bisitiahin ng Santo Papa sa katapusan ng buwang ito.
By Jaymark Dagala