Pinangangambahang magkaroon ng gulo sa ilang kagawaran na may kinalaman sa pagmimina sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Ito’y ayon kay incoming Finance Secretary Carlos Dominguez ay kung hindi maipatutupad ng tama ang mga polisiya at hatian sa kita mula sa pagmimina.
Binigyang diin ni Dominguez, malinaw ang atas ni incoming President Rodrigo Duterte sa mga mining firms na gawin ng tama ang kanilang trabaho at huwag babuyin ang kalikasan.
Una nang nagpahayag si incoming Environment Secretary at anti-mining advocate Gina Lopez na hindi kailanman naging katanggap-tanggap ang pagmimina na siyang nagpapahirap sa mga maliliit na Pilipino.
Gayunman, nilinaw ni incoming Presidential Spokesman Ernie Abella na hindi kailanman tutol sa pagmimina ang susunod na pangulo.
Aniya, kailangan lamang maging responsable ang mga mining firms sa kanilang negosyo na hindi nasasalaula ang kalikasan gayundin ang mga taong nagtatrabaho sa mga minahan.
By Jaymark Dagala