Libu-libong mga residente ng Hongkong ang muling nagtipon sa Kowloon district para magsagawa ng demonstrasyon.
Marami sa mga raliyista ang nakasuot ng mask habang bitbit ang mga banner na may nakasulat na “free Hongkong”, “Hongkongers resist” at grafitti na “Better dead than red”.
Kaugnay nito, nananatiling sarado ang metro station at naglagay narin ng mga water canons ang pulisya sa kalsada.
Ikinagagalit ng mga nagpo-protesta ang kabiguan anila ni Hongkong leader Carrie Lam na protektahan ang kalayaan ng kanilang estado sa panghihimasok ng Beijing, pagpapatupad ng colonial-era emergency power, at pagpapahintulot sa matinding puwersa ng pulisya.
Samantala, idineklara naman ng Hongkong police ang nabanggit na demonstrasyon bilang iligal.