Tiwala ang Armed Forces of the Philippines o AFP na matatapos na sa loob ng isa hanggang dalawang linggo ang kaguluhan sa Marawi City.
Ito ay matapos mabawi ng militar ang White Mosque.
Ayon kay Western Mindanao Command Lt. General Carlito Galvez, tuluyan nang humina ang puwersa ng Maute Terrorist group dahil sa nauubusan na ng suplay ng pagkain at bala ang mga kalaban.
Dahil dito, tinatayang nasa humigit kumulang walo hanggang siyam na ektarya na lamang ang hawak ng mga terorista.
Samantala, nakatakdang magpadala ng isang batalyon ng sundalo ang 5th Infantry Division ng Philippine Army sa Marawi City.
Ayon kay Major General Paul Talay Atal, commander ng 5th Infantry Division Philippine Army, naghihintay na lamang ng go signal ang mga sundalo upang magtungo sa lungsod at tumulong sa pagtugis ng mga terorista.
—-