Mahigit apat na libo (4,000) ang patuloy na nagsisilikas sa Myanmar kasunod ng panibagong tensyon sa nasabing bansa.
Ayon sa Myanmar Office for the Coordination of Humanitarian Affairs, nagmula sa hilagang estado ng Kachin na malapit sa border ng China ang mga nagsilikas.
Hindi pa kasama rito ang labinlimang (15) iba pa na nakalikas na sa lugar mula pa noong buwan ng Enero dahil sa kaguluhan.
Samantala, nananatili naman sa mga kampo ang may humigit kumulang siyamnapung libong (90,000) mga internally displaced persons mula nang matigil ang ceasefire sa pagitan ng pamahalaan at ng Kachin Independence Army noong 2011.
—-