Muling sumiklab ang kaguluhan sa Tripoli sa Libya.
Sa pahayag ng ating embahada sa Libya, nagkaroon anila ng kabi-kabilang pagsabog magmula pa noong Sabado.
Kasunod nito, nagpaalala ang mga opisyal ng ating embahada sa Pilipino na nasa Libya na manatili lamang sa kani-kanilang mga tauhan.
Samantala, pinapayuhan din ng embahada ang mga Pinoy na maiipit sa gulo na agad makipag-ugnayan sa mga awtoridad.