Aabot na sa mahigit 500 parola o lighthouse ang gumagana ngayon sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ayon sa Department of Transportation o DOTr, nasa kabuuang 542 na ang gumaganang parola ngayon na mas mataas ng 91.20 percent kumpara sa dating 113.
Dahil dito, bumaba na sa 52 light house na lamang ang hindi operational.
Sinabi ng DOTr na malaking tulong ang mga lighthouse para matiyak ang seguridad at kaligtasan sa mga paglalayag.
Ilan naman sa mga lighthouse ang mayroon nang active na Global Positioning System o GPS na maaaring magamit para mapadali ang pagtukoy ng lokasyon ng sasakyang pandagat.