Unti-unti nang lumiliit ang bilang ng mga Overseas Filipino Worker (OFWs).
Ito ang ipinagmalaki ni Pangulong Noynoy Aquino, sa kanyang pagharap sa Filipino community sa Japan.
Ayon kay Pangulong Aquino, resulta ito ng patuloy na gumagandang ekonomiya dahil na rin sa pag-pupursige ng kanyang administrasyon na himukin ang mga OFW na bumalik at mamuhunan din sa bansa.
Isa sa mga paraan ang kaya’t napababa aniya ang bilang ng mga OFW ay pagtutok ng gobyerno sa exclusive growth, na programang mag-aangat sa kalidad ng pamumuhay sa bansa.
By Drew Nacino