Sumampa sa 11,388 ang bilang ng mga nakarekober sa COVID-19 dahilan upang sumipa sa 499,798 ang numero ng lahat ng gumaling sa virus ngayong Linggo, Pebrero 7.
Batay sa tala ng Department of Health, 1,790 ang nadagdag sa bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa na nagbunsod upang pumalo sa 537,310 na ang kabuuang bilang ng lahat ng tinamaan at 26,333 naman sa mga ito ay aktibong kaso.
Samantala, nakapagtala naman ng 70 bagong mga nasawi dahilan upang sumirit sa 11,179 ang bilang ng lahat ng dinapuan na binawian ng buhay.—sa panulat ni Agustina Nolasco.