Sinisi ng National Housing Authority (NHA) ang contractor nang gumuhong tulay sa Rio Jondo, Zamboanga City.
Sa pagdinig ng Kamara sinabi ni Atty. John Mahamud, Chief of Staff ni NHA General Manager Marcelino Escalada, Jr. na ang naturang proyekto ay hawak ng parehong contractor na Limestone Construction dahil nagpapatuloy ang modification na kanilang pinapaggawa rito.
Nabatid na overloading ang nakikitang dahilan ng NHA sa gumuhong tulay na ayon kay NHA General Manager Chito Cruz ay pito hanggang walong tao lamang ang kayang itawid.
Sinasabing mahogany at jimilina na uri ng kahoy ang ginamit sa nasabing tulay sa halip na yakal.
Ayon kay Congressman Arnulfo Teves mas mura at mas mababa ang kalidad nang ginamit na kahoy sa naturang tulay.
Magugunitang kasama sa mga nahulog sa gumuhong tulay sina Housing Committee Chair Albee Benitez, Zamboanga Congressman Celso Lobregat at Zamboanga City Mayor Beng Climaco.
—-