Mahigpit na implementasyon ng gun ban, pagtatatag ng checkpoints at pagbuwag sa private armed groups.
Ito ang napagkasunduan sa pulong ng mga opisyal ng Commission on Elections, Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police para matiyak ang kaayusan sa 2016 presidential elections.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma na ang pagkontrol sa baril at pagsabat ng illegal na armas ay mahalagang susi para sa maayos na halalan.
Seryoso aniyang tututukan ang pagbuwag sa mga private armed groups para matiyak na walang magaganap na karahasan sa panahon ng halalan.
By: Aileen Taliping (patrol 23)