Pinaalalahanan ng PNP ang publiko lalo na ang gun owners na nananatiling suspendido ang ermit to carry firearms outside residence sa Central Luzon, Calabarzon, Metro Manila at lalawigan ng La Union.
Ito ayon kay PNP Spokesperson Police Brigadier General Bernard Banac ay bahagi pa rin ng security protocol na pinairal ng PNP sa pagdaraos ng SEA Games na opisyal nang nagtapos noong Miyerkules .
Tiniyak naman ni PNP OIC Lt. General Archie Francisco Gamboa na hindi pa natatapos ang misyon nilang pangalagaan ang seguridad ng mga dayuhan hanggang makaalis ito ng bansa kahit pa tapos na ang SEA Games.
Pinakilos na ni Gamboa ang mga pulis para i secure ang iba pang mga dayuhang bisita na inaasahang mag e extend ng kanilang pamamalagi sa bansa para mamasyal.
Nakipag ugnayan na aniya sa PNP ang protocol officers ng iba ibang dayuhang delegasyon na may mga miyembrong nais bumisita sa ibang lugar sa bansa.