Nais nang alisin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inisyu ng commission on Election (COMELEC) na gun ban exemption sa mga sundalo at pulis.
Ito ay matapos ang pag-aresto sa ilang mga sundalo at pulis sa isang checkpoint na hindi nakapagpakita ng COMELEC exemption sa kanilang mga baril.
Ayon sa punong ehekutibo, dapat ay automatic na ang mga sundalo at pulis, at hindi na hinihingan pa ng kung ano-ano sa panahon ng eleksiyon dahil trabaho ng mga ito na panatilihin ang kaayusan at kapayapaan sa bansa, may eleksiyon man o wala.