Magpapatupad ng gun ban ang Philippine National Police sa ilang rehiyon sa bansa simula Nobyemrbe 20 hanggang December 14.
Ayon kay PNP spokesperson Brig. General Bernard Banac, ito ay bahagi ng kanilang inilatag na seguridad para sa Southeast Asian (SEA) games.
Kabilang sa mga rehiyon na isasailalim sa gun ban ang CALABARZON, National Capital Region, La Union sa Region 1, at Region 3.
Gaganapin ang opening ceremony ng SEA games sa Philippine Arena sa Bulacan sa Nobyembre 30.
Habang gaganapin ang ilan sa mga venues ng mga palaro sa Rizal Memorial Sports Complex, athletics stadium, aquatic center sa New Clark City at Manila Polo Club.