Nagpatupad na ng gun ban ang PNP o Philippine National Police sa buong Pasay at Parañaque.
Ito’y matapos aprubahan ni PNP Chief Director General Ronald dela Rosa ang pagsuspinde sa PTCFORS o Permits to Carry Firearms Outside of Residence sa dalawang lungsod.
Ayon kay NCRPO Chief Director Oscar Albayalde, ito ay epektibo simula kahapon hanggang mamayang hatinggabi bilang security measures para sa Miss Universe coronation day sa Mall of Asia Arena.
Idinagdag ni Albayalde na sa ngayon ay maayos ang ipinatutupad nilang seguridad sa lugar.
“So far so good, everything is going smoothly.” Pahayag ni Albayalde.
By Jelbert Perdez | with report from: Aya Yupangco (Patrol 5)