Kinumpirma ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia, na tinanggal na ng kanilang ahensya ang gunban o ang mga ipinagbabawal sa gitna ng 2022 barangay at sangguniang kabataan o bsk elections.
Ayon kay Garcia, kasunod ito ng pag-apruba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ipagpaliban ang halalan sa December 2022 na isasagawa naman sa October 2023.
Sinabi ni Garcia, na inalis na ang election related ban kaya maaari naring ituloy ng public works and social services ang naunsiyami nilang mga proyekto.
Samantala, nagpaalala naman si Garcia sa publiko na hintayin nalang na maglabas ng kakukulang resolusyon ang kanilang ahensiya hinggil sa naturang usapin.