Magpapatupad ng gun ban ang PNP para sa hiwalay na inagurasyon nina President Elect Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. at Vice President Elect Sara Duterte-Carpio.
Ipinabatid ni Major General Valeriano De Leon, PNP Director for Operations na epektibo ang gun ban sa Davao Region mula June 16 hanggang 21 para sa inagurasyon ni Duterte sa June 19 samantalang mula June 27 hanggang July 2 ang gun ban sa Metro Manila para sa panunumpa ni Marcos sa June 30.
Sinabi ni De Leon na ang pagtatakda ng gun ban ay para makapagsagawa pa ng imbestigasyon sa insidente ng paglabag kung kinakailangan.
Ang inagurasyon ni Duterte ay idaraos sa San Pedro Square sa Davao City samantalang sa National Museum naman isasagawa ang panunumpa ni BBM sa June 30.