Inanunsiyo ng Philippine National Police (PNP) na epektibo na simula ngayong araw ang gun ban sa Metro Manila.
Ito ayon kay PNP Director for Operations, Maj. Gen. Valeriano De Leon, ay bilang bahagi ng security measures para sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na gaganapin sa Lunes.
Sinabi rin ni De Leon na ang aktibasyon ng task force ay nangangahulugan ng mas maraming checkpoints sa borders ng Metro Manila, partikular sa bahagi ng Batasang Pambansa sa Quezon City.
Mababatid na halos 22,000 police personnels at force multipliers ang magbabantay sa SONA.
Samantala, nanawagan din ang opisyal sa mga organizer ng kilos-protesta na makiisa sa security upang maiwasan ang abala sa daloy ng trapiko sa major roads sa nabanggit na lugar.