Umakyat na sa 3,429 indibidwal ang naaresto ng Philippine National Police (PNP) matapos lumabag sa umiiral na gun ban.
Batay sa datos ng PNP, 3,294 sa mga naaresto ay sibilyan, 61 ang security guard, 26 ang pulis, 22 ang sundalo at 26 ang hindi pa makumpirma.
Naaresto ang mga ito sa 3,220 operasyon sa buong bansa na sinimulan noong January 9.
Sa bilang na ito, 1,232 ay nagmula sa Metro Manila, 370 sa CALABARZON, 357 sa Central Visayas, 312 sa Central Luzon at 200 sa Western Visayas.
Nakumpiska sa mga suspek ang mahgit 2,660 armas, 1,090 patalim, 135 pampasabog at 16,623 na mga bala.