Umakyat na sa 3,447 na indibidwal ang naaresto ng Philippine National Police (PNP) matapos lumabag sa umiiral na gun ban.
Batay sa datos ng PNP, 3,338 sa mga naaresto ay sibilyan, 61 ang security guard, 26 ang pulis, at 22 ang sundalo.
Naaresto ang mga ito sa 3,239 operasyon sa buong bansa na sinimulan noong January 9.
Sa bilang na ito, 1,242 ay nagmula sa Metro Manila, 373 sa Calabarzon, 359 sa Central Visayas, 312 sa Central Luzon at 200 sa Western Visayas.
Nakumpiska sa mga suspek ang mahigit 2,673 armas, 1,101 patalim, at 16,684 na mga bala.