Isang illegal dealer ng mga assault rifles ang napatay habang arestado naman ang kanyang kasabwat sa isang entrapment operation ng pulisya sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte
Sa ulat ng Bangsamoro Regional Police, naglabas ng baril at nagpaputok si Datun Mastura, 56-anyos, nang mahalatang mga kasapi ng PNP – CIDG Ang kanilang napagbentahan ng dalawang 5.56 M16 Assault Rifles sa Sitio Mamadra sa Barangay Limbo, Sultan Kudarat kaya nagka-engkwentro na nagresulta sa kanyang kamatayan.
Sugatan sa naturangpalitan ng putok ang isang miyembro ng CIDG – BAR Na si Patrolman Raffy Jacinto, na agad namang naisugod sa ospital upang malapatan ng lunas.
Naaresto naman ng mga kasapi ng CIDG-BAR ang kasabwat ni mastura na si Norodin Sulaiman 33- anyos.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 na nagbabawal ng pagbebenta ng mga baril at bala at mga pampasabog nang walang pahintulot ng National Headquarters ng Philippine National Police.