Nakalabas na ng ospital at nakapag piyansa na ang gun dealer na nahuling may bitbit na gun parts na umanoy gagamitin sa pag assassinate sa Pangulong Rodrigo Duterte
Ang suspek na si Bryan Taala ay naglagak ng 120 at 80 thousand pesos na piyansa para sa dalawang kaso kaugnay sa paglabag sa Republic Act 10591
Samantala, nagkaruon ng komosyon sa Bacolod hall of justice nang biglang dumating si CIDG Negros Occidental Chief Senior Inspector Ariel Artillero na nagwawala at tinadyakan ang pintuan ng clerk of court at isa nitong tauhan na si PO3 Rogelio Arcenias
Nagalit umano si Artillero dahil sa wala aniyang koordinasyong ginawa ang kaniyang mga tauhan sa kaniya nang dalhin sa korte si Taala
Bukod dito, kinuwestyon din ni Artillero ang kawalan ng court order para madala sa hall of justice si Taala upang maglagak ng piyansa
Si Taala kasama si Wilfred Palma ay nadakip nuong August 6 matapos masabat ng customs ang isang balikbayan box mula sa Amerika na naglalaman ng gun parts na nagkakahalaga ng 4.5 million pesos
By: Judith Larino