Kinansela na ng Philippine National Police o PNP ang lisensya ng mga baril ng 72 pulitiko at law enforcers na umano’y sangkot sa illegal drugs.
Ayon kay Senior Supt. Jose Malayo, Deputy Chief ng PNP Firearms and Explosive Office, ang mga naturang indibidwal ay kasama sa mga pinangalanan ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Malayo na 44 dito’y elected officials, isa ang hukom, at 27 namang miyembro ng PNP, Armed Forces of the Philippines at iba pang law enforcement agencies.
Matatandaang umaabot na sa 200 personalidad ang pinangalanan ng Pangulong Duterte na umano’y sangkot sa illegal drug trade kung saan kabilang dito ang ilang opisyal ng pamahalaan at PNP.
By Jelbert Perdez