Kinumpirma ng Department of Finance o DOF na dati nilang empleyado ang lone gunman sa nangyaring pag-atake sa Resorts World Manila noong Biyernes.
Ayon sa DOF, nagtrabaho bilang tax specialist si Jessie Carlos sa One Stop Shop Tax Credit and Duty Drawback Center ngunit sinibak sa pwesto ng Office of the Ombudsman noong Abril 2014.
Nag-ugat ang isinampang kasong grave misconduct at gross neglect of duty dahil sa kabiguan nitong ideklara ang kanyang pag-aaring house and lot sa Maynila sa kanyang SALN noong 2003 hanggang 2006.
Sinabi naman ng ilan sa dating kasamahan ni Carlos na nalulong ito sa sugal kaya nabaon sa utang.
Napansin din nila na simula noong makasuhan ito sa Ombudsman ay panay na ang pagdadala nito ng baril maging sa pagpasok sa opisina.
By Rianne Briones
Gunman sa Resorts World dating Finance employee was last modified: June 5th, 2017 by DWIZ 882