Pinabulaanan ni Highway Patrol Group Director Chief Supt. Arnold Gunnacao na nagkagirian ang Highway Patrol Group (HPG) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) habang nagmamando ng daloy ng trapiko sa EDSA.
Ipinaliwanag ni Gunnacao na simpleng miscommunication lamang ang nangyari at ito ay agad naman naiayos.
Binigyang diin din ni Gunnacao na hindi dapat nadadaan sa pakiusap ang mga traffic enforcer dahil tiyak na hindi madidisiplina ang motorista kung magiging maluwag sila dito.
“Wala naman pong awayan doon sa MMDA at HPG, nataon lang po na nagkaroon ng miscommunication kasi ang kabilin-bilinan natin na pag nanghuli po ay dapat bawal ang pakiusapan, hindi naman po kailangan ng training dahil alam na po nila, pag-implement pa lang po ng batas isip o kondisyon ng bawat isa, hindi na kailangan ng training nun.” Pahayag ni Gunnacao.
By Katrina Valle | Ratsada Balita