Tumugma ang gunting na ginamit ng suspek sa pagpatay kay Christine Lee Silawan sa Lapu-Lapu City, Cebu noong Marso 11.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), positibo ang mga nakuhang DNA samples mula sa gunting na ginamit ng self-confessed murderer na si Renato Llnes sa biktima.
Matatandaang sinabi noon ni Llnes na sinaksak niya si Silawan sa iba’t ibang parte ng katawan ng 30 beses at binalatan gamit ang pares ng gunting.