Arestado ang isang guro at estudyante matapos mahulihan ng hinihinalang shabu sa magkahiwalay na operasyon sa Davao City.
Kinilala ang college teacher na si Rashid Amerkhan, 32 anyos.
Ayon sa mga otoridad, binentahan ni Amerkhan ng isang pakete ng shabu ang kaniyang ka-chat sa internet na isa palang pulis.
Ngunit mariing itinanggi ng suspek na siya ay nagbebenta ngunit umaming bumalik sa paggamit ng shabu.
Nabatid na nuong 2006 ay nakulong na si Amerkhan dahil sa iligal na droga ngunit nakalaya rin matapos makapagpiyansa.
Samantala, nahuli naman ang senior highschool student na may alias “Wikwik”, 22 taong gulang dahil sa pagbebenta ng marijuana.
Itinanggi rin ng estudyante na nagbebenta siya ng marijuana ngunit umamin din na gumagamit.
Kapwa nahaharap sa kasong paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek.