Obligado pa rin na magsuot ng face mask ang mga guro at estudyante sa loob ng silid-aralan.
Ito ang inihayag ni Department of Education spokesperson michael poa.
Binigyang-diin ni POA na required o kinakailangan ang pagsusuot ng face mask bilang bahagi ng pagsunod sa mga health protocol.
Paliwanag pa ng tagapagsalita, ito ay para mapangalagaan ang kaligtasan at kalusugan ng mga guro at estudyante.
Samantala, maglalabas ang DepEd ng panuntunan matapos makonsulta ang DOH at ilang mga education stakeholders.—sa panulat ni Hannah Oledan