Hinubad ng isang guro ang kanyang sapatos nang makita ang isang estudyante sa face-to-face graduation nito sa Zamboanga City na sira ang suot na sapatos sa mismong araw ng kanyang graduation.
Batay sa ulat, nakapila na raw paakyat ng stage ang naka-toga na estudyanteng si Rey Paul Daval sa kanilang paaralan nang mapansin ng gurong si Christian Carpio ang sapatos nito na balot ng scotch tape.
Ayon sa guro, alam niya kasi ang nararamdaman ng estudyante dahil hindi rin kagandahan ang sapatos niya noong nag-aaral pa.
Habang pagkatapos ng graduation, hindi na ipinasoli ng guro ang naturang sapatos at ipinauwi na lamang sa estudyante bilang graduation gift.