Nasawi ang isang 58 anyos na public school teacher matapos barilin sa bayan ng Amadeo, Cavite.
Kinilala ang biktima na si Normita Bautista San Juan habang ang mga suspek ay sina Ananda Karunasinghe, Celina De Luna Cabasi na dating public school teacher, Antonio Roguel, Benidic Baysan, at Mark Romeroso na mga nakatira sa paupahan ng napaslang.
Ayon kay Sergeant Arvin Balbuena, nakatayo sa harap ng kaniyang bahay ang biktima nang lumapit at kausapin ito ng hindi pa nakikilalang gunman.
Nagawa namang makunan ng video ng kapitbahay ang pag-uusap ng dalawa bago mangyari ang pamamaril.
Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa naturang insidente.—sa panulat ni Airiam Sancho