Isang highschool teacher ang patay matapos saksakin ng estudyante sa Basey, Samar.
Kinilala ang biktimang si George Lauron, 32-anyos, guro sa Basey National High School habang suspek ang isa umanong 19-anyos na Senior High School student.
Naganap ang krimen sa tinutuluyang boarding house ng biktima sa Barangay Sulod, dalawang araw bago ang National Teachers Day.
Ayon sa Basey Municipal Police, nag-iinuman si Lauron at ang suspek kasama ang isa pang lalaki nang magkaroon ng argumento ang guro at estudyante.
Nagalit umano ang mag-aaral at sinaksak niya sa dibdib ang biktima gamit ang isang kutsilyo.
Naisugod pa sa ospital si Lauron pero hindi na umabot ng buhay habang sumuko ang suspek sa Pulisya at nahaharap sa kasong murder.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad hinggil sa krimen.