Maswerteng nakaligtas ang isang guro sa pamamaril sa Barangay Poblacion sa bayan ng Polanco, Zamboanga del Norte.
Batay sa ulat, sakay ng kaniyang motorsiklo pauwi sa nirerentahang bahay si Edelinda Empeynado nang barilin ito sa likod ng hindi pa nakikilalang salarin.
Gayunman hindi nagpatinag si Empeyando at tuloy pa rin sa pagpapatakbo ng kaniyang motorsiklo hanggang sa nakahingi ng saklolo.
Kasalukuyang nagpapagaling ang guro sa ospital sa Dipolog City.
Ayon sa mga otoridad, tinitingnan nilang anggulo na posibleng may kagalit ang si Empeynado.