Ipinag-utos ng Korte ang pagpapalaya sa public high school teacher mula sa Zambales na una nang inaresto ng NBI matapos mag tweet na nag-aalok ng P50 million na reward sa makakapatay sa Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasunod na rin ito nang pagpa-piyansa ni Ronnel Mas ng P72,000.
Itinakda naman ni Olongapo RTC Judge Richard Paradeza ang arraignment at pre-trial sa kaso sa May 28.
Sinabi naman ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na hindi pa nila nakakamit ang hustisya para kay mas dahil mananagot pa ang gobyerno sa pagbalewala sa mga karapatan ng guro na una na anilang pinahiya ng NBI at iligal na ikulong sa loob ng walong araw.