Nangako ang Department of Education (DepEd) na di-disiplinahin nila ang gurong nag-viral matapos umanong murahin ang kanyang estudyante sa Camarines Norte.
Ayon sa tita ng grade 5 student, nakaranas ng trauma ang pamangkin matapos tawagin na ‘bobo’, ‘bruha’ at ‘hayop’ ng kaniyang guro sa unang araw pa lamang ng balik-eskwela.
Ang nasabing verbal abuse ay isinulat pa umano ng guro sa papel na iniabot sa estudyante na kalauna’y kinunan ng litrato at nag-viral sa social media.
Ayon kay Education Spokesperson Michael Poa, inatasan na nila ang school head na magsumite ng incident report sa regional director sa loob ng tatlong araw.
Sasailalim din ang sangkot na guro sa administrative proceedings upang malaman ang parusang ipapataw dito.
Sa ngayon, pagtitiyak ng DepEd na hindi nila kukunsintihinang anumang uri ng pang-aabuso lalo na sa mga bata na matagal nang nasabik na pumasok sa paaralan.