Inihayag ng isang senador na dapat na isailalim sa overhaul at rehabilitasyon ang kabuuan ng Phiippine General Hospital (PGH).
Ito’y ayon kay Senador Richard Gordon, dahil lumang luma na ang PGH kaya’t hindi lang bahagi ng gusali na nasunog ang dapat na ayusin.
Giit ni Gordon, kung pondo ang pag-uusapan, maaari namang gamitin ang calamity fund ng pamahalaan para sa pag-overhaul ng pagamutan.
Paliwanag ni gordon na ang Department of Public Works and Highways ang dapat gumawa nito sa lalong madaling panahon.
Maari rin aniya na magtulungan dito ang gobyerno at ang pribadong sektor.
Samantala, batay sa impormasyon ni Senador Gordon, taong 1985 pa nang huling sumailalim sa renovation ang pagamutan.