Kontrolado na ng mga operatiba ng Bureau of Fire Protection o BFP ang nangyaring sunog sa Mega Towers na nasa nasa tabi lang ng Mega Mall sa EDSA Mandaluyong City.
Batay sa impormasyon mula sa BFP NCR, nasa ika-27 palapag ng naturang gusali ang napuruhan ng apoy kung saan, kinailangang basagin ang mga bagong kabit na salamin para tingnan kung may na-trap na construction worker o empleyado sa loob.
Nabatid na nagsimula ang sunog pasado alas dies kaninang umaga subalit dahil sa bilis ng pagresponde ng mga bumbero ay umabot lang ito sa unang alarma.
Inaalam pa ng mga tauhan ng BFP kung ano ang naging sanhi ng sunog at kung magkano ang naitalang pinsala sa insidente.— ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)