Igagawad kay Manila City Mayor Isko Moreno ang gusi peace prize for 2019.
Ayon sa inilabas na pahayag ng Gusi Peace Prize International Group, kinikilala nila ang umano’y walang kapagurang pagseserbisyo ni Moreno sa mga mamamayan ng lungsod.
Ito ay simula pa noong siya pa lamang ay konsehal hanggang sa pag-upo bilang alkalde ng Maynila.
Nakatakdang tanggapin ni Moreno ang parangal sa awarding ceremony na gaganapin sa PICC o Philippine International Center sa Nobyembre 27.