Aminado si bagong Defense Secretary Carlito Galvez na totoo ang napabalitang pagtatampo o pagrereklamo ng ilang opisyal ng Armed Forces of the Philippines dahil sa pagka-antala sa kanilang promotion at designation.
Ayon kay Galvez, naantala ang promotion at designation ng ilang AFP officer na papalapit na ang pagreretiro bagay na naka-apekto sa kanilang Morale.
Gayunman, nilinaw ng Kalihim na sa kanyang pag-upo bilang pinuno ng tanggulang pambansa ay agad siyang kumilos upang tugunan ang problema.
Ipinaabot din niya kay Pangulong Bongbong Marcos ang pangunahing issue sa sandatahang lakas na dapat agarang resolbahin.
Nagpapasalamat naman si Galvez kay Pangulong Marcos dahil bago tumungo sa Davos, Switzerland ay pinirmahan nito ang mga naantalang promotion at designation papers pero may ilan pang naka-tengga. —ulat mula kay Cely Ortega Bueno (Patrol 19)