Naplantsa na ng liderato ng Kamara De Representates ang naging gusot sa deliberasyon ng 2020 proposed national budget.
Kasunod ito ng ipinatawag na pulong ni House Speaker Alan Peter Cayetano kasama ang mga pinuno ng Kamara at mga vice chairman ng appopriations commiittee na pinamumunuan ni Davao City Representative Isidro Ungab.
Ayon kay Cayetano, mahigpit nilang bubusisiin ang national budget bagama’t hindi aniya maantala ang pagpapasa dito.
Pagtitiyak pa ni Cayetano, magiging transparent at walang puwang ang pork barrel at parking fund sa 2020 national budget.
Kasunod nito, inatasan ni Cayetano ang lahat ng mga kagawaran at ahensiya ng pamahalaan na magsumite ng written presentation ng kanilang budget proposal.
Una rito, inalmahan ni Ungab ang ginawang pagbawi ni house deputy speaker sa kanyang inihaing 2020 General Appropriations Bill dahil sa pagiging premature umano.