Naplantsa na ang gusot para sa pagpapatupad ng Motorcycle Prevention Act partikular ang paglalagay ng malaking plaka sa harap at likod ng motorsiklo.
Ayon kay Atoy Sta. Cruz ng Motorcycle Federation of the Philippines, nagkaroon na ng kasunduan na sticker at decal na lamang ang ilalagay sa harap ng motorsiklo.
Sa ngayon anya ay pinag uusapan na lamang kung saan sa harap ng motorsiklo ilalagay ang sticker at kung gaano kalaki ang plaka na ilalagay sa likod ng motorsiklo.
“Yung tungkol doon sa batas na nakalagay na ilang meters na kailangang mabasa. Merong mga motor na walang paglalagyan yan, merong mga motor na merong paglalagyan pero napakaliit s baka yun ang mga pinag uusapan nalang atsaka yung laki ng plaka, kung ka size ba nung sa Europe, sa Indonesia or sa Malaysia ang gagawin pero ang request namin, medyo kapalan.’
Sa kabila nito, sinabi ni Sta. Cruz na dudulog sila sa pagbubukas ng 18th Congress para paamyendahan ang Motorcycle Prevention Act.
Tinukoy ni Sta Cruz ang probisyon na nagpapataw ng napakalaking multa sa mga lalabag sa batas.
“Maghahain kami ng position paper na i ano yung sobrang penalty. Grabe. Pag natanggal ang plaka mo at natyempuhan ka ng check point, 50,000 agad yun so yun siguro na may mga bagay kami na ipapa ano sa 18th Congress.”
(Ratsada Balita interview)