Dumistansya ang Commission on Elections (COMELEC) sa umiinit na tensyon sa loob ng ruling party na PDP – Laban.
Ito’y matapos na tanggalin ng paksyon ni Sen. Manny Pacquiao si Pangulong Rodrigo Duterte bilang Party Chairman at ipalit si Sen. Aquilino Koko Pimentel, III.
Inihayag sa DWIZ ni COMELEC Spokesman James Jimenez na mas mainam kung mapaplantsa ng partido ang gusot internally kung sinu-sino talaga ang dapat kumatawan sa kanilang hanay.
Ani Jimenez, hinihintay lang ng COMELEC na magsumite ng mga authorized signatories ang partido bago sila tumulong na maayos ang gusot.
“Pag dumating sila sa punto na yun tapos hindi pa yun malinaw, e sigurado yan magkakasuhan yan. And sabi ko nga, ano, whatever the COMELEC decides at that point, ay siguradong aakyat sa Supreme Court yan,” pahayag ni COMELEC Spokesman Dir. James Jimenez sa panayam ng DWIZ.