Naayos na ang gusot sa pagitan ng gurong si Melita Limjuco at mga magulang ng batang nagreklamo sa isang programa sa radyo dahil umano sa “child abuse”.
Batay sa facebook post ni Atty. Noel Estrada, humingi na ng paumanhin ang mga magulang ng estudyante kay Limjuco sa tulong ng isang supervisor ng Department of Education.
Humingi rin ng tawad ang guro sa magulang ng kaniyang estudyante dahil sa ginawa nitong pamamahiya na naging sanhi ng pagka-trauma nito.
Gayunman, nanindigan ang mga magulang ng estudyante na matanggalan ng lisensya si Limjuco dahil sa anila’y hindi tamang pagtrato nito sa kaniyang mga mag-aaral.
Nag-ugat ang reklamo matapos palabasin ni Limjuco sa silid-aralan ang estudyante dahil sa kabiguang maibalik nito ang kaniyang report card.