Tuloy na ang pag-uusap ng rival regional powers na Iran at Saudi Arabia, matapos itong masuspende noong Marso.
Bunsod nito, hindi naman nagbigay ng kumpirmasyon ang dalawang bansa hinggil sa ulat na ito ng Nour News ng bansang Iraq.
Ayon sa naturang network company, magbibigay pag-asa para sa muling pagbuhay ng magandang ugnayan ng dalawang bansa ang resumption ng kanilang pag-uusap sa ikalimang pagkakataon.
Nagkaroon ng lamat ang relasyon ng Riyadh at Tehran noong 2016 matapos na magsagawa ng kilos protesta ang Iran sa Saudi Embassy sa Iranian Capital kasunod ng execution sa shi’ite cleric sa Saudi Arabia dahil sa kinaharap na kaso ng terorismo.